ObituaryTransition

‘Sining, tapang, at talino’: The legacy of Bienvenido Lumbera

Colleagues remember the well-loved National Artist for Literature

Bienvenido Lumbera, photographed by Wig Tysmans, from the CCP official Facebook page

National Artist Bienvenido Lumbera, drawn by National Artist Ben Cabrera

IT is indeed a genuine loss when great artists are remembered not just for their contribution to their field, but also for their humanity and patriotism. Such is the case with Philippine National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, who died last Sept 28 at the age of 89. While the poet, librettist, and teacher was acknowledged as an “avatar of light,” as publisher Karina Bolasco put it, of contemporary Philippine literature, he was also recognized as an activist, a mentor, a good friend, and an amiable, well-loved colleague by contemporaries. The Cultural Center of the Philippines cited the genius of his librettos for such productions as Tales of the Manuvu, Rama Hari, and Noli Me Tangere, all performed on the CCP stage. He was also known for enriching Tagalog literature by introducing bagay poetry, a style that uses colloquial language and concrete experiences to bring the art form to many more Filipinos.

Facebook was flooded with many personal tributes from people who knew Lumbera. Here are some of them.

VIRGILIO ALMARIO
National Artist for Literature

SI BIEN LUMBERA SA AKING KASAYSAYANG PAMPANITIKAN

NAPAKAPERSONAL NG AKING isusúlat ngayong kasaysayang pampanitikan. Sisikapin kong sipatin ang naging kabuluhan ni Bien (Bienvenido Lumbera) sa kasaysayang pampanitikan ng Filipinas sa pamamagitan ng aking naging pagtitig sa kasaysayan ng ating panitikan. Hindi ito isang paraan upang igiit ang aking kabuluhan sa kasaysayang pampanitikan. Sa halip, isang paraan ito upang itanghal ang malakíng kabuluhan ni Bien sa pamamagitan ng mga engkuwentro ko sa kaniya at sa kaniyang pananaw pampanitikan simula 1968.

Tingnan ninyo, bakit 1968? Siguro nag-umpisa ang kaniyang naging pananaw pampanitikan nang sinusúlat niya ang disertasyon noong 1964. Ngunit nalathala noong Enero 1968 ang kaniyang artikulong “Looking Back at the Future of Philippine Writing” sa magasing Graphic, at nabanggit niya akong kabílang sa mga kabataang makata sa Ingles at sa Tagalog, na ikinagúlat ko, at naging dahilan ng aming pagkikilála. Ikinagúlat namin nina Roger (Rogelio G. Mangahas) at Bert (Lamberto E. Antonio) na ang rebelyon namin sa pagtula sa University of the East ay binabása palá sa Ateneo. Wala rin kaming alám kung ano ang sinusulat sa Loyola Heights. Maliban sa munting balita ng aming propesor na si Anacleto I. Dizon na nakadalo sa isang seminar doon at hangang-hanga kay Rolando (Rolando S. Tinio).

Lumiham ako kay Bien ng pasasalamat. Sumagot siyá. At nag-imbita sa Ateneo. Isang magtatakipsilim ng Sabado ay lumusob kami nina Roger at Bert sa apartment ni Bien. Matalahib pa noon ang Loyola Heights at kokonti ang traysikel, kayâ medyo dinilim kami sa paglalakad mulang Aurora Blvd hanggang Esteban Abada St. Pero inábot namin si Bien, naghihintay kapíling ng pansit, pritong manok, at…sangkahang serbesa.

Sinundan pa iyon ng ilang palitan ng liham, imbitasyon sa palabas ni Rolando at mga miting ng Panitikero (kaibigan na rin palá niya si Aga!). Kinonsulta ko siyá sa “Peregrinasyon” at sumagot siyá ng isang mahabàng kritika na may kalakip na usisa. Tinatantiya palá niya ang timo sa akin ni T.S. Eliot at ng New Criticism na humubog din sa kanilá nina Rolando, Eric (Emmanuel Torres), at Badong (Salvador Bernal). Marami siyáng tanong sa Liwayway at Taliba. Sumang-ayon siyá sa komersiyalistang pamantayan ng Liwayway na na pinaghaharian ni Mang Danding (Clodualdo del Mundo) at diktador din sa Palanca. Tuwâng-tuwâ siyá sa bungguan ng baso namin nina C.C. Marquez at C.M. Vega sa Kalye Soler. Sumáma pa siyá sa Biyak-na-Bato para sa bertdey ko, bagaman ayaw na raw niyang bumalik doon dahil sumakit ang kaniyang katawan sa pag-akyat sa kuwebang bato. Napansin kong alám na alám niya ang panitikang kanluranin ngunit hanggang libro ang alám sa entablado ng panitikang Tagalog.

Di-kawasa, inimbita niya akong lumipat sa Ateneo. Nagtuturò ako noon sa San Miguel High School at nag-eenjoy ng búhay-binata sa bayang tinubuan. Umayaw ako. Bukod pa, wala akong masters para matanggap sa akademya. Namilit siya. Noon niya ipinagtapat ang planong Philippine Studies Program kasáma sina Rolando at Nic (Nicanor Tiongson). Wala daw kasi sa kaniláng kalipikadong magturò ng wikang Pilipino. Ngunit nagkataóng tumindi ang pagiging adviser ko sa student government, at nag-organisa kami ng samahan ng mga lider estudyante ng Bulakan. Ginanap ang unang kongreso ng samahan sa San Miguel, at inimbita kong magsalitâ sina Raul Manglapus, Jose Lansang, Luis Taruc, at ibá pang nakilála ko sa opisina ni Doc Prudente ng PUP. Dinumog kami ng taumbayan nang dumating si Taruc. [Dami pa paláng Huk sa aming bayan.] Inakusahan akong “komunista” ng head ng departamento ko. Nagkasagutan kami sa mga faculty meeting. Nagsumbong ako sa Malolos. Kinausap ako ng mga kaguro na huminahon.

Noon ko naísip pumayag sa alok ni Bien. Tawanan ang barkada sa Lepanto. Bakit hindi ka pa dito sa PUP magturò? Biro pa ni Beloy (Isabelo Crisostomo): “Pag di ka naging bakla dun e tuturuan mong tumoma ang mga Jesuits!” Ipinahawak sa akin ang unang klase sa Basic Pilipino. Naku, lakíng challenge! Hindi alám na Bien na history ang itinuturò ko sa San Miguel. Ang problema ko pa, nása klase sina Tony Perez at Paul Dumol at ang mga aktibista sa pangunguna ni Boy (Perfecto) Martin. Hinámon pa niya akong mag-coteaching ng Panulaang Tagalog. Ako daw ang maglektura sa tradisyonal na pagtula. Nabása ko na noon ang kaniyang disertasyon na inilathalang kaba-kabanata sa Philippine Studies. Na-memorize ko yata ang mga reprints at iyon ang warìng isinasalin ko lámang sa Tagalog kung ako ang nagpapaliwanag sa mga graduate students. Siyá ang guro  ko sa Saliksik Araling Filipinas 101. Tinimpi niya ang pagkahumaling ko sa moderno’t kanluranin at ipinamálay ang muling pagpapahalaga sa tradisyonal bílang makatuturang sangkap ng pag-ibig sa bayan.

Isang makapal na nobela ang masusúlat ko kapag inisa-isa ang mga pagpatnubay ni Bien sa akin at ang paghahasik ng dalisay na pagtangkilik sa pagkakaisa, kaunlaran, at kapakanan ng Filipinas.

Mabuti’t inabutan kami ng Unang Sigwa. Una, nalalahok kami sa mga rali sa loob ng Ateneo. Pagkaraan, sa mga dg hanggang nayon at pabrika. Pagkaraan pa, sa mga demo sa Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio. “Bien, huwag kang masyadong magsasamá ke Rio,” payo ni Rolando. Nang magsúnog ng libro sa Ingles sa kampus, nagúlat ang mga Heswita kay Tserman Lumbera. Noon ko naisúlat para sa Pugadlawin ang Modernismo sa pagtula na naging binhi ng tesis ko at nalathalang Balagtasismo at Modernismo. Nang lumaon, isinasáma pa namin sa mga martsa at mass work ang mga graduate students na sina Shayne (naging Cynthia Nograles) at Lyn (naging Emelina Almario). Noong magkongreso ang PAKSA (Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan), ako ang bumása ng mensahe ni Joema, at nagkakaisang nahalal na tagapangulo si Bien ng “Panitikan Mula sa Masa, Para sa Masa.” Kagagáling naming ma-teargas sa harap ng US Embassy nang salubúngin kami sa Esteban Abada ni Carmen, kasambahay ni Bien, dahil idineklara na raw ang Martial Law. Nakitúlog kami sa ibáng apartment at kinabukásan naghakot ng ilang gámit para sa búhay-UG.

Nagkasáma pa kami sa unang safehouse. Gayunman, pinaghiwalay kami ng takdang trabaho sa kilusan. Hindi naman nagtagal at umulit ang aking factory defect. Kailangan akong umahon at magpagamot sa probinsiya. Noon ko naísip magpakasal, at dahil blacklisted at hindi makabalik sa Ateneo ay naging houseband nang matagal bago natanggap sa Philippine Science High School. [BTW napilit ko siyáng magninong sa kasal at magbaróng para mabilisang lumitaw sa Paco Church noong 1 Enero 1973. Ginawa naman niya akong ninong ng kaniyang panganay.]

“Walang katumbas ang kaniyang kagandahang-loob” – Virgilio Almario

Sa panahon ng aking housebandry, binása ko nang dibdiban ang Filipiniana sa aklatan ni Bien na naiwan sa aming apartment. Pagkatápos, inúbos ko ang mga nobelang Tagalog sa UP Lib. Binalikan ko ang matatandang publikasyon sa National Library. Bago ako natanggap sa Phisay, nakahanda na akong tapusin ang MA thesis ko sa UP. Nabuo na ang tinatawag ko ngayong “tinging Filipino” mula sa pagtunton ng landasing nasyonalista ni Bien. Nalathala ang disertasyon niyang Tagalog Poetry: 1570-1898 nitó lámang 1986 ngunit ang nilalamán nitóng saliksik at pagmumunì sa panitikan ay naipalaganap na niya sa mga artikulo, lektura, at pagtuturò sa Ateneo, UP, DLSU, at ibáng kolehiyong napuntahan niya sa mga palihan at seminar. Maaaring nasimsim niya ito sa panimulang proyekto nina Epifanio de los Santos at E. Arsenio Manuel subalit nabigyan niya ng wastong saligang pambansa at makabansa sa loob ng 1960s at higit na pinagtibay ng kaniyang Marxistang paninindigan.

Ang kaniyang makabayang hinahon, sigasig, at kababaang-loob ang hinangaan ko at tiyak na hinangaan sa kaniya ng maraming kabataan at kaguro hanggang sa kamatayan niya kaninang umaga. Walang katumbas ang kaniyang kagandahang-loob. Ang tatág ng kaniyang pananaw at dangal ng paninindigan ang sinisikap ko pang pantayan.

Virgilio S. Almario
Ferndale Homes
28 Setyembre 2021

-From the Facebook page of Virgilio Almario

CHRIS MILLADO
Artistic Director, Cultural Center of the Philippines

Mababaw ang luha ni Ka Bien.

Tuwing nagkikita kami ni Bien sa lobby ng CCP Little Theater pagkatapos niya manood ng mga palabas ng Tanghalang Pilipino, karaniwan mugto ang mga mata niya. “Naiyak ako sa eksenang yun…hindi lang iyak, hagulhol!” Ganun kababaw ang luha ni Bien lalo na pag mga eksenang nagpapatungkol sa pagkawalay, paghihiwalay, at pakikibaka. Hindi lamang sa mga tauhan sa drama nakalaan ang pagmamalasakit ni Bien kundi sa mga tutoong tao sa lansangan. Sa kanyang abanseng edad ay binagtas niya  ang mahirap na daan patungong Escalante Negros Occidental upang makiisa sa mga magsasaka na taon-taon ay isinasabuhay ang madugong masaker ng mga sakada na naganap nung panahon ni Marcos. Pagkatapos ng palabas ng mga kabataan sa lansangan kung saan nangyari ang masaker, mugto na naman ang mga mata ni Ka Bien.

Pero wag malinlang, marunong din magmura si Ka Bien. Nagkasama kami sa isang produksyong panteatro sa Philippine Educational Theater Association. Kauna-unahang stage appearance ni Bien bilang Haring Duncan sa dulang Makbet ni Shakespeare. Ka-eksena ko si Bien bilang kanyang masugid na alalay na si MacDuff. Ang direktor namin, ang batikang si Fritz Bennewitz—Aleman, magaling, mabagsik. Pinapaulit-ulit ng direktor ang entrada ni Haring Duncan (Bien) at pagbati kay Lady Makbet. Maka-sampung beses na ulit na yata kami sa eksena nang bigla nalang, sa likod ng entablado, nagpakawala si Bien ng pinakamalutong na “P***ina! Ano ba ang gusto niya?” Nabigla kaming lahat. At yun, sa sunod niyang pagpasok sa eksena ay natuwa na si Ginoong Bennewitz sa pagganap ni Ka Bien sa papel ni Haring Duncan—ang  pinakamabait at pinakabanal na Hari ng Scotland.

“Minarapat kong magmano tuwing nakikita si Ka Bien, baka man lang maambunan ng karampot na henyo” – Chris Millado

Natutong ulit  magmano dahil kay Ka Bien. Noon nagmamano ako sa lolo at lola ko sa Tarlac at nang sila’y pumanaw, tuluyan ko nang nakalimutan ang kinagawian. Hanggang sa nakita ko ang mga batang iskolar ng Philippine High School for the Arts na pumipila upang magmano kay Ka Bien. At napansin ko na parang bigla silang sumigla at pagkalaon ay sumigla din ang kanilang sining! May bisa yata ang pagmamano kay Ka Bien. Kayat minarapat kong magmano tuwing nakikita si Ka Bien, baka man lang maambunan ng karampot na henyo, karampot na bagsik at karampot na pag-ibig sa bayan.

Mano po, Ka Bien. Kasali ako sa sambayanang tumatanaw ng utang na loob sa biyaya mong sining, tapang, at talino.

(Kuha ang letratong ito sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas na idinaos sa isang liwasan sa Pandacan, Manila.)

-From the Facebook page of Chris Millado

Chris Millado (right) with National Artist Bienvenido Lumbera during the birth anniversary commemoration of Francisco Balagtas in Pandacan, Manila (Photo from Chris Millado FB)

PERFECTO MARTIN
Writer

Dapat ay naipaskil ko ang larawang ito noong lumipas na Buwan ng Wika. Kuha ito nang manalo ako sa isang on-the-spot na timpalak sa pagsulat ng sanaysay na itinaguyod ng KADIPAN. Hindi ko matiyak kung bakit ang timpalak ay idinaos sa Philippine College of Commerce (PCC) sa Lepanto pero ang pagbibigay ng gantimpala ay sa UE Claro M. Recto ginawa.

Sa larawang ito sa UE, marami kaming naging “dakilang” kasama ni Jaime FlorCruz (naroroon siya para bigyan ako ng moral support sa pagtanggap ng ikalawang gantimpala—parehong probinsiyano kami mula sa Malolos, unang taon ko sa Maynila at siya naman ay unang taon sa PCC; may ilang taon lamang pagkaraan nito, mapupunta si Jaime sa Tsina kasama ng isang delegasyon ng mga lider estudyante, bagay na magpapabago nang husto sa kanyang magiging kapalaran na hahantong sa pagreretiro mula sa CNN Beijing Bureau).

Dito, dalawa ang magiging pambansang alagad ng sining—Bienvenido Lumbera Bien at Virgilio Senadren Almario—at isang Miss International, Gemma Cruz Araneta. Naririto rin ang guro at mandudulang si Dionisio Salazar. Ang dalawa sa sinasabing triumvirate na makatang UE—isa na si Rio Alma—ay ang makisig na Rogelio G. Mangahas sa gitna at ang seryosong Lamberto E. Antonio sa likod ni Bien. Ang isa pang kilalang manunulat katabi ni Rio Alma ay si Anacleto Dizon. Tila naririto rin ang kuwentistang si Eliseo Taparan.

Ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay ang nakangisi at nakatingin sa sahig na nasa harap ni Jaime: ang manunulat at bayaning mandirigmang bayan, si Eman Lacaba na siyang nagwagi ng unang gantimpala.

Kami ni Eman ang ipinadalang kontestant noon ng aming guro sa Ateneong si Dr. Lumbera. At hindi naman namin siya binigo. Naramdaman lamang namin na nagtataka ang marami dito na sa Ateneo ay may mga nagsusulat palang estudyante noon sa Pilipino (hindi pa Filipino noon). Ang hindi nila alam, noon nagsisimulang kumuha ang Ateneo ng mga estudyante buhat sa probinsiya at iba pang pampubliko at maliliit na paaralan sa Kamaynilaan para mabantuan nang bahagya ang esklusibong populasyon ng maykayang estudyante sa pamantasan.

“Nagtataka ang marami dito na sa Ateneo ay may mga nagsusulat palang estudyante noon sa Pilipino” – Perfecto Martin

Noo’y magsisimula na ang kilusang Pilipinisasyon sa Ateneo, sa paglabas sa Guidon ng isang pahinang manipesto—Down from the Hill—na humihinging maging “relevant” ang Ateneo sa lipunang Pilipino at maisapilipino ang mga kurso at nilalaman ng kurikulum bukod sa pagbibigay-daan para magkaroon ng higit na tinig ang mga Heswitang Pilipino sa mga gulod ng Loyola. Isa si Eman Lacaba sa limang estudyanteng nagbuo ng manipesto kasama sina Alfredo Navarro Salanga, Gerry Esguerra (kapwa yumao na), Linggoy Alcuaz at Leonardo Montemayor.

Noong mga panahong ding iyon nagsimulang mamulat ang mga mata namin ni Jaime sa tunay na kalagayan ng ating bansa.

-From the Facebook page of Perfecto Martin

“Mga ‘dakilang’ kasama,” as Martin put it, a vintage photo of literary heavyweights that includes Bienvenido Lumbera, Virgilio Almario, Gemma Cruz Araneta, Dionisio Salazar, Rogelio G. Mangahas, Lamberto E. Antonio, Anacleto Dizon, and Eliseo Taparan (photo from Perfecto Martin FB page)

KARINA BOLASCO
Director, Ateneo University Press

That is reflected light from the Palanca 2019 Awards stage, landing right on Bien’s bumbunan, making him, at that very instance, look like an amiable (not grim and determined) Avatar of Light. For he was, has always been, and will continue to be, for the nation.

His 1967 doctoral dissertation became a seminal work that first came out as an essay in Antonio Manuud’s Brown Heritage, and then became the classic Tagalog Poetry, 1570-1898: Tradition and Influences in Its Development that radically changed the way critics valued our own vernacular works, and restored them to their proper esteemed place in Philippine literary canon. It inspired many to set norms and methods in the study of literature in Tagalog and other literary works. For generations of scholars in literary history and criticism, it pioneered continuing research in Philippine literature, encouraged them to retrieve and preserve, documents of native literature.

Unlike other scholars, Bien knew he had to translate this for schools into something strategic and concrete, and so in 1982, National Bookstore, where I was an editor, published Philippine Literature: A History and Anthology, which he and his wife Cynthia “Shayne” Nograles put together. It became a landmark textbook that surveyed Philippine Literature according to outside pressures that shaped the writing: colonization and the resistance to it. The textbook was moved to Anvil in the 1990s, and to this day continues to be used in many schools. By the turn of the millennium, in 2001, the couple put out another milestone textbook, Filipinos Writing: Philippine Literature from the Region that put regional literatures in our literary canon.

“He has opened great doors for us as a people, into many well-lighted spaces that hold treasures” – Karina Bolasco

And there, too, for us to behold and cherish is the other source of light: the parallel huge body of creative work Bien has, from drama to music lyrics, from poetry to Filipino song translations, and translations of stage classics, which all artists and cultural workers have reverently incorporated into their own work as directors, playwrights, screenwriters, musicians, composers, visual artists, sculptors, and indie filmmakers.

I first met him as my teacher in my MA in Philippine Studies in UP in 1976. He was probably not yet married to Shayne as she was in his class, too. That time, MA and Ph.D students ended up in the same classes. He told me my mother was his teacher in Mabini Academy in Lipa City, Batangas. Maybe in the years after the war, when my mother still single, taught after her degree at Philippine Women’s University. When Bien came to our wake for my mother in 2005, he said that’s exactly how I remember her ( my mother’s graduation photo from PWU).

Avatar of light Bien, which means good, and Bienvenido, welcome, has opened great doors for us as a people, into many well-lighted spaces that hold treasures. He will be given the same extraordinary welcome when he gets to his new adventure.

-From the Facebook page of Karina Bolasco


Credit: #audiscovery Audie Gemora/YouTube


Newsletter
Sign up for our Newsletter

Sign up for Diarist.ph’s Weekly Digest and get the best of Diarist.ph, tailored for you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.